Sana by Gagong Rapper ft. Missy
Sana
Song Lyrics
CHORUS
Sana lahat ng pangarap ay makamit
Sa tuwina ikaw ang kasama
Tayong dalawa ay masaya sana
Sana
Habang namamasyal sa park hawak ang Humpy Dumpy
May bigla lang may natanaw, isang magandang binibini
Napangiti, sumunod aking mga mata
Hinangad na sanay makilala ka at makasama
Sa tuwina, ikaw lang ang aking pinapangarap
Na sanay habang buhay na kitang makakayakap
O anong sarap kapag ikaw natatanaw
Sana sa iyong puso ay wala akong kaagaw
Isasayaw ka na parang sa Huling El Bimbo
Mapa-chacha man o tango, paborito ni sarhento
Ibibigay ko sa yo lahat ang luho
Bastat malaman mo lang na lahat ay hindi biro
Sanay marinig mo, sanay mapadama ko
Na ikaw lang ang iniisip ko minu-minuto
Sanay malaman mo na meron sa yong naghihintay
Nandito lang ako magmamahal sa yo nang tunay
Nakakapagpabagabag, kumakalabukab
Sa damdamin ko kasi ako sa yo ay in lab
Naglalagablab, lumiliyab aking mga pangarap
Kailan, saan kaya puso mo ay mahahagilap
Sa alapaap, ako lagi nakatingin
Nananalangin sana ikay mapasaakin
Simoy ng hangin, dumadampi sa king mukha
Hindi ko napapansin na ko pala ay tulala
May himala pa ba sa akin na darating
Sana makasama ka at aking nang makapiling
Sa paggising, sa king pagmulat ng mata
Hinihiling ko lang sana sa kin nakayakap ka
O sana, sana, sana, o sana talaga
Imahinasyon ni Tumpak magkatotoo na
Sana makamit na, sana makasama ka sa tuwina
Sana madala na kita sa pwestong kaaya-aya
[Repeat CHORUS]
Simula nang makilala ka at matanawan ka
Ikaw lang, girl, ang hinangad ko sa buong planeta
Sana damang-dama na, sana damang-dama na, ikaw lang di ba
Ano pa ba ang kailangan para ikaw ay makuha
Sana, aking sinta, ako ay iyong nakikita
Nang mapagmasdan mo talas sa king mga mata
Sinisigaw ng puso, sana ay marinig
Sinisigaw ng puso mula sa king pag-ibig
Lamig at himig na sa yo lang ilalalan
Walang hangganan, sukdulan na ito sa buwan
Mahagkan na kita para ba kong nabaliw
O aking giliw, ako sa yoy naaaliw
Para bang paksiw, ikaw ang aking paborito
Bastat komplikado, pag-ibig ay totoo
Sana malaman mo na ang lahat para sa yo
At yon ang tangi kong pangarap sa buong mundo
Girl, nasaan ka na, kita mo akoy nalulumbay
Halikan mo lang ako, para ba akong hinimatay
Nawalan ng malay sa halik mong sobrang tamis
Makuha lang kita, handa na kong magtiis
Kahit gano pa katagal ang panahong lumipas
Sa yo ko lang ilalaan ang minuto at oras
Pagkat sa puso kong ito, ikaw lang ang gamot
Ikaw ang bumura ng hirap ko at lungkot
Malambot mo na palad, kailan ko mahahawakan
Ang matamis mong halik, kailan ko matitikman
Akoy sabik sa iyong pagmamahal
Hihintayin kita kahit gano pa katagal
Maging hangal, okey lang yon, aking tatanggapin
Makuha lang kita at puso mo ay maangkin
Ibigin mo lang, para bang lumilipad
Sana pangarap kong ito lahat ay matupad
[Repeat CHORUS]
Hindi kukupas ang pag-ibig ko sa yo, parang maong
Lagi kong sinasalat ang kamay mo, parang mah-jong
Dahil lulong ako sa yo na parang bisyo
Ikaw ang nagpalundag sa puso ni Dencio
Pero sana, wag mo sana akong saktan
Sa ating relasyon, iyong loob tibayan
Wag mong pakinggan, ha, ang mga humahadlang
Dahil ikaw ay akin at silay inggit lang, you know
Oh, sandali, hindi naman sa nagmamadali
Pero alam ko rin naman na pag-ibig ay di madali
Pero hindi na mapakali na sana bukas
Ang bawat buhos at tulo ng luha, ikaw na sana magpunas
Ang makatabit makayakap ko, ikaw na sana
Ang makamit, maging kalinga ko, ikaw na sana
At sana, pakinggan mo awiting inaalay
Eto pakinggan mo, tanging masasabi ko ay (masasabi ko ay)
[Repeat CHORUS twice] Yorumlar: roderickcaparosoto tell you the truth, pag nasa australia ka maraming hahabol sa iyo. you are so beautiful. wag kang makinig sa mga tao na jealous lang sayo. Sana Gagong Rapper Sweethiejhen
Etiketler:
SanaGagongRapperSweethiejhen